49jili apps download.Royal meaning in Urdu,8K8

Nangungunang Mga Libreng Online na Video na na-tagZombie na Laro

Ano ang gagawin mo kung napapaligiran ka ng undead? Alamin sa pamamagitan ng paglalaro ng larong zombie sa Y8. Ang koleksyon ng mga laro ay nagtatampok ng mga zombie sa maraming iba't ibang mga sitwasyon. Ang ilang mga halimbawa ay ang tower defense na may kaugnayan sa zombie, pagbaril, pagmamaneho, 3D, at higit pa. Kung mas gusto mo ang mabagal na paglalakad na mga zombie, mayroon kaming mga iyon. Gayundin, ang ilang mga zombie ay mabilis. Makakaligtas ka ba sa zombie apocalypse?

Ayusin ayon sa:
Ang pinagmulan ng Zombie

Ang zombie ay isang reanimated na bangkay, at malamang ay alam mo na yun. Ang salitang zombie ay nagmula sa Hatian folklore. Ang orihinal na mga kwento tungkol sa zombie ay madalas gumagamit ng magic o mas kilala sa tawag na voodoo para maipaliwanag ang kakayahan ng mga patay na maglakad. Sa mga kwento na ito, ang mga patay ay maaring ilang taon nang pumanaw bago maging zombie. Ang bokor ay sinasabing gumagamit ng black magic at necromancy para magtawag ng mga patay. Sa mga kwento na ito, ang mga zombie ay wala sa kanilang sarili at nasa ilalim ng kontrol ng bokor.

Ang pinakaunang paggamit ng salitang Ingles na zombie ay naitala noong unang 1800s. Ang mga unang salaysay tungkol sa zombie ay naipakilala sa mga libro. Ang isang maimpluwensyang nobela na Frankenstein, ay gumamit ng teknolohiya para mag-reanimate ng patay. Ang zombie ay patuloy na nagbago dahil narin sa ilang impluwensya na galing sa gothic romaticism. Sa mga kwento na sulat ni H. P. Lovecraft, maraming idea sa mga undead ang na-explore. Ang isang halimbawa ay ang Cool Air na tampok ang isang doctor na gumamit ng refrigiration para pigilan ang kanyang katawan na mabulok.

Simula sa kalagitnaan at dulo ng 1900s, ang mga zombie sa pelikula ay ang naging pamantayan sa modernong zombie. Ang mga undead ay karaniwang nahawaan ng pathogen, scientific accident, o nasa ilalim ng control ng isang nakamamatay na virus. Ang mga natatanging zombie na ito ay sabik sa laman o utak. Ang kagat nila ay nakakahawa at gagawing zombie ang mga tao. Bagaman mabagal at walang mga isip, ang mga zombie na ito minsan ay bubuo ng malalaking grupo. Ang mga pelikula ay nakatulong sa pagpapasikat ng ebolusyon ng mga zombie na mabagal sa umpisa at bumibilis kapag naistorbo.

Noong 1990s, ang mga Japanese console ay nagbigay ng daan sa mga zombie sa mga video game. Ang pinakakilala ay ang Resident Evil at The House of the Dead. Ang isa sa pinakaunang mga online zombie game ay tinawag na De-animator na kung saan ang mga zombie ay lalapit mula sa gilid. ang player ay may gamit na pistol at kailangang barilin shoot ang mga zombie bago sila makalapit. Mula noon, ang mga browser based zombies game ay malayo na ang narating.

Mga Zombie Game Recommendation